19.8 C
Baguio City
Thursday, May 8, 2025
spot_img

Mga Bata mula sa Caring for the Future Foundation, nagsagawa ng Educational Tour sa JOPAT Integrated Farm sa Mangaldan

Isang makulay at makabuluhang educational tour ang isinagawa ng mga batang inaalagaan ng Caring for the Future Foundation, Inc. (CFF) Philippines sa JOPAT Integrated Farm, Barangay Osiem, Mangaldan, Pangasinan nitong Miyerkules, Mayo 7, 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Mangaldan, sa tulong ng mga kawani mula sa JOPAT Farm, at ng Guanzon Group of Companies, na siyang pangunahing sponsor ng event.

Layunin ng educational tour na itaas ang kamalayan ng mga batang iskolar at benepisyaryo ng Guanzon Group tungkol sa kahalagahan ng sektor ng agrikultura at hikayatin silang magsimulang mag-isip kung paano nila maaaring maging bahagi ng industriyang ito sa hinaharap.

Ayon kay Maureen Aguila, Center Administrator ng CFF Inc., mahalaga ang ganitong klase ng aktibidad para sa holistic development ng mga bata at pagkakataon upang matutunan nila ang mga posibleng karera sa agrikultura sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Sa buong araw ng tour, sumailalim ang mga bata sa mga hands-on activities at lectures na ipinagkaloob ng mga eksperto sa farm at lokal na gobyerno. Kabilang sa mga isinagawang gawain ang crop production, stone painting, at fish breeding. Tinutok din nila ang mga kalahok sa mga aspeto ng sustainable farming at agribusiness, na pawang layuning magbigay ng mga praktikal na kasanayan na maaaring magamit sa hinaharap.

“Napakahalaga ng mga ganitong aktibidad upang maipakita sa mga bata na bukod sa mga tradisyunal na karera, may mga posibleng landas din sa agrikultura na maaaring magbukas ng mga oportunidad sa kanilang buhay,” pahayag ni Aguila.

Ang aktibidad ay nagbigay daan din upang mapalawak ang ugnayan sa pagitan ng mga organisasyon at ng lokal na pamahalaan. Nagpasalamat ang pamunuan ng CFF at Guanzon Group ng Companies sa mainit na pagtanggap ng JOPAT Integrated Farm at sa masigasig na partisipasyon ng LGU Mangaldan sa matagumpay na pagsasakatuparan ng event.

Ipinagmamalaki ng JOPAT Integrated Farm na itinanghal bilang isang agricultural learning site noong 2022 ng Agricultural Training Institute-Regional Training Center 1 (ATI-RTC 1), kaya’t kwalipikado itong mag-host ng mga bisita at mga mag-aaral na nais matuto ng sustainable farming at agribusiness.

Ang ganitong mga inisyatibo ay patuloy na magsisilbing gabay at inspirasyon sa mga kabataan sa kanilang mga pangarap at magbibigay daan para sa mas maraming kabataan na magtagumpay sa sektor ng agrikultura.

Source: Public Information Office – Mangaldan, Pangasinan

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles