18.5 C
Baguio City
Thursday, November 28, 2024
spot_img

Mga bagong halal na Sangguniang Kabataan ng Bacnotan, La Union, opisyal ng nanumpa

Opisyal ng nanumpa ang mga bagong halal na Sangguniang Kabataan ng Bacnotan, La Union sa DMMMSU ICC, Sapilang, Bacnotan, La Union nito lamang ika-12 ng Nobyembre 2023.

Ang panunumpa ng mga SK ng Bacnotan ay hudyat ng simula ng kanilang 2-taong termino hanggang Disyembre 2025.

Pinangunahan ni Mayor Divine Fontanilla ang panunumpa at nasaksihan naman ito ni Governor Rafy Ortega-David, Sangguning Bayan ng Bacnotan sa pangunguna ni Vice Mayor Francis Fontanilla, mga department heads at empleyado ng LGU at DILG MLGOO Alona Lyn Garcia.

Hinamon ni Mayor Divine ang Sangguniang Kabataan na bumuo ng mga aktibidad na makatutulong sa kapwa nilang mga kabataan at huwag limitahan ang mga aktibidad sa beauty pageant at liga.

Dagdag pa niya, matutong makialam sa komunidad dahil mas malalaman ang pangangailangan ng barangay kung personal na makikihalubilo, “Reach the grassroots” saad ni Mayor Divine.

Pinaalalahanan naman ni Governor Ortega-David ang mga kabataan na huwag matakot mamuno sa kapwa dahil hindi hadlang ang edad para makagawa ng pagbabago, “The youth are not the leaders of tomorrow, we are the leaders of today”, sambit ni Gov. Ortega- David.

Bukod kina Mayor Divine at Governor Ortega-David, nag-iwan din ng mensahe sina Vice Mayor Fontanilla at MLGOO Garcia sa mga kabataan at pinaalalahanan sila sa kanilang tungkulin bilang kaagapay ng Munisipyo ng Bacnotan sa paghandog ng hataw na serbisyo para sa Kailian.

Samantala, nangangako naman ang mga bagong halal na gagawin nila ang kanilang makakaya upang mapagsilbihan ng maayos ang kanilang nasasakupan.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles