Naihatid na ang 200 Family Food Packs, 25 sleeping kits, 25 family kits at 25 hygiene kits sa Barangay Pagala, Baliuag Bulacan noong ika-8 ng Agosto 2022.
Ito ay bahagi ng “Relief Prepositioning Agreement” ng Department of Social Welfare and Development Field Office III sa mga iba’t ibang Lokal na Pamahalaan sa Gitnang Luzon.
Alinsunod ito sa inilabas na direktiba ni DSWD Secretary Erwin Tulfo o ang Memorandum from the Secretary: Enhancement of DSWD’s Disaster Preparedness and Response Plans and Policies na naglalayon na mapagtibay ang disaster preparedness capacities ng mga Regional Offices at ang kapit-bisig na pagtutulungan ng DSWD at mga lokal na pamahalaan sa oras ng sakuna at kalamidad.
Ayon sa kasunduan na nilagdaan, kalakip nito ang layuning palakasin ang samahan at pakikipagtulungan ng mga lokal na unit ng pamahalaan upang magamit ang kanilang mga bodega at pasilidad para sa lagayan ng mga Family Food Packs at Non-Food Items upang matiyak ang agaran at mabilis na pagtugon sa paunang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad o sakuna.
Patunay lamang na ang ating gobyerno ay patuloy ang pagpapabilis ng paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.
Source: DSWD Central Luzon