Binigyan ng pamahalaang lokal ng Tarlac ng parangal ang dalawang atleta na nakilahok at nagwagi ng medalya sa Philippine Cycling National Championship for Road 2022 na ginanap sa Tagaytay City, nito lamang Hulyo 4, 2022.
Kinilala ni Mayor Cristy Angeles ang dalawang atleta na si Phoebe Salazar at Ivan Sembrano.
Si Salazar ay nakakuha ng gintong medalya sa kategoryang 23 Individual Time Trial at tansong medalya din ang kanyang nakamit sa kategorya naman ng 23 Road Race. Siya ay representa ng Philippine team sa Sea Games 2023 na gaganapin sa Cambodia.
Samantala, nakamit naman ni Sembrano ang ika-8 na pwesto para sa Individual Time Trial Men’s Elite Category at ika-19 naman siya sa Road Race mula sa 79 na riders na lumahok sa kompetisyon.
Patunay lamang na ang lalawigan ng Tarlac ay binibigyan pansin ang mga talento ng mga indibidwal at labis ang kanilang suporta sa mga atleta na patuloy na nagbibigay karangalan sa bansa.