Nadiskubre ng mga awtoridad ang mga kagamitang pandigma ng New People’s Army sa Barangay Cambitala, Pantabangan, Nueva Ecija nito lamang Biyernes, ika-18 ng Agosto 2023.
Ayon sa mga awtoridad, natunton ang mga nakatagong armas sa tulong ng isang dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan na kinilalang si alyas “Ka Bruno”.
Narekober sa lugar ang dalawang rifle grenade, isang bala ng M203, isang hand grenade, apat na magazine, 44 na mga bala, dalawang tactical bandolier, isang wire at isang baterya.
Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko at magbagong buhay sa piling ng kanilang mga pamilya.