14.8 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Mga ahensya ng gobyerno, nakiisa sa isinagawang pagpupulong para sa mga miyembro ng Indigenous People sa Cagayan

Nakiisa ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa aktibidad na isinakatuparan ng mga kawani ng Armed Forces of the Philippines na pagpupulong para sa mga miyembro ng Baggao Indigenous Peoples Organization Inc. na naganap sa bayan ng Baggao, Cagayan nito lamang Linggo, Agosto 28, 2022.

Dinaluhan ang programa ng mga representante mula sa Department of Agrarian Reform, Department of Agriculture, Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development, Department of Interior and Local Government, Technical Education and Skills Development Authority, Local Government Unit of Baggao, at National
Commission on Indigenous People.

Layunin ng nasabing aktibidad na mabigyang kaalaman ang mga katutubo ukol sa kanilang mga karapatan at kung papaano nila maipakilala ang yaman ng kanilang kultura.

Matagumpay na naisakatuparan ang pagpupulong na may temang “Katutubong Pilipino, Makinig, Makialam, Makisalo, Sama-sama sa pag- asenso” sa tulong at inisyatibo ng 77th Infantry Battalion at 5th Civil-Military Operations Battalion.

Samantala, pinasalamatan naman ng Lokal na Pamahalaan ng nasabing bayan ang mga sundalo sa kanilang ipinakitang pagpapahalaga at sa kanilang patuloy na pagprotekta sa mga katutubo ng Baggao.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles