Natagpuan ng mga awtoridad ang mga gamit at armas ng teroristang grupo sa Brgy. Mainit, Bontoc, Mountain Province nito lamang Setyembre 23, 2023.
Batay sa ulat, nadiskubre ang mga gamit at armas habang nagsasagawa ng Counter Insurgency Operation.
Narekober ang siyam na Dynamite Sticks, dalawang piraso ng Pentex 150g “booster”, isang rifle grenade na walang fins, 18 cartridge 7.62mm, isang M14 magazine, anim na piraso ng PVC container cup na may anim na meters firing wire, isang Handheld Radio “ICOM, isang cellphone battery charger, at isang portable radio.
Patuloy naman ang Mt. Province PNP at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya at terorismo.
Hinihikayat naman ng mga awtoridad ang mga miyembro ng mga komunistang grupo na sumuko upang mamuhay ng ligtas at payapa kapiling ang kanilang mga sariling pamilya.