15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Mental Health Program, isinagawa ng Alaminos LGU

Nagsagawa ang Alaminos LGU ng programang makakatulong sa Mental Health ng mga kawani ng Alaminos na ginanap sa Barangay Bued, Alaminos City, Pangasinan nito lamang Disyembre 9, 2022.

Hindi malilimutang karanasan at saya para sa mga huling batch ng kawani ng pamahalaang lungsod ng Alaminos, sa pangunguna ni Mayor Arth Bryan C. Celeste, ang kanilang paglahok sa naganap na “Mental Health Program: Mangrove Planting and Team building” sa mangrove park ng lungsod.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng City Human Resource Management Office sa pamumuno ni CHRMO Dr. Emielou E. Gellado.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng mental health break ang mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Alaminos upang maisulong ang pangangalaga sa mental health at pagpapanatili sa kagalingan ng bawat kawani para mas maging produktibo at maayos na maihatid ang de-kalidad na serbisyo sa ating mga kababayan.

Nagpatibay din ng kanilang samahan at pagkakaibigan ang nasabing aktibidad at nakapagtanim din ang ating mga lingkod-bayan ng mga punong kahoy at mga kawayan sa mangrove park ng lungsod bilang kanilang ambag sa sustainable environmental protection program ng pamahalaang lungsod.

Source: LGU- ALaminos

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles