Nanguna ang mga tauhan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa isinagawang Clean-up Drive sa Barangay Poblacion, Casiguran, Aurora nito lamang Huwebes, ika-30 ng Marso 2023.
Nakiisa din ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa paglilinis gaya ng PNP, BFP, MCR-Office, Women Sector Community, Lingkod Bayan Advocacy Support Group at mga opisyal ng naturang barangay.
Ang aktibidad ay bilang paghahanda para sa darating na Semana Santa kung saan nagtulong-tulong ang grupo sa paglilinis ng mga kalsada at kanal.
Patuloy ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga sa ating kalikasan.