13.2 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Mega Malasakit Mission ng Mega Sardines, matagumpay na isinagawa sa Tuguegarao City

Matagumpay na isinagawa ang Mega Malasakit Mission ng Mega Sardines na ginanap sa People’s Gymnasium, Tuguegarao City noong ika-27 ng Setyembre 2024.

Nasa dalawang libong residente ng lungsod ang napagkalooban ng tulong sa isinagawang Mega Malasakit Mission ng Mega Sardines, sa pangunguna ng Mega Tiu Lim Foundation at sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Tuguegarao City.

Kabilang dito ang mga Solo Parents, PWDs, at miyembro ng LGBTQIA+ community mula sa iba’t ibang barangay ang naging benepisyaryo ng Malasakit Mission, kung saan nagbigay din ng karagdagang 2,000 gift packs si dating PNP Chief Ret. General Edgar “Egay” Aglipay ng One Cagayan Movement.

Sa nasabing programa, pinasalamatan ni dating 3rd District Congressman Randy Sera Ting, bilang kinatawan ni City Mayor Maila Rosario S. Ting Que ang Mega Tiu Lim Foundation sa pagbibigay ng maagang pamasko sa mga residente ng lungsod.

Binigyan-diin din nito ang mahalagang papel ng mga Solo Parents, PWDs, at LGBTQ+ sa lipunan at ang patuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaan sa kanila gaya ng tulong ng kompanya ng Mega Sardines.

Samantala, bukod sa mga natanggap nilang tulong mula sa nasabing kompanya, isa rin sa mga tampok ng programa ay ang cooking contest ng Solo Parents na naghanda ng masusustansyang pagkain. Kasama rin ang “Palit Lata” project, kung saan maaaring ipalit ang limang lata ng Mega Sardines sa bagong produkto.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles