18.5 C
Baguio City
Thursday, November 14, 2024
spot_img

Medical Mission ng “Alagang Nanay Preventive Healthcare Program” muling umarangkada

Muling umarangkada ang iba’t ibang serbisyong medikal ng Pamahalaang Lungsod ng Pampanga na ginanap sa Mexico Evacuation Center nito lamang Biyernes, ika-16 ng Agosto 2024.

Ito ay pinamunuan ni Hon. Dennis “Delta” Pineda, Governor ng Pampanga, kasama si Hon. Lilia “Nanay” Pineda Vice-Governor, katuwang ang mga doktor at nars.

Umabot sa kabuuang 692 na residente mula sa bayan ng San Luis ang nabigyan ng libreng medikal na pagsusuri sa nasabing programa.

Ang inisyatibang ito ay nagbigay ng mahalagang serbisyong pangkalusugan sa mga higit na nangangailangan, upang matiyak na kahit ang mga nasa laylayan ng lipunan ay may access sa dekalidad na pangangalagang medikal.

Patuloy ang Pamahalaan ng Pampanga ang paghahatid ng serbisyo at pakikibahagi sa iba’t ibang programa ng ating pamahalaan lalo na sa sektor ng kalusugan upang mabigyan ng suporta at mabigyan ng pag-asang mamuhay ng malusog at malakas.

Source: Pampanga PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles