Nangako ang mga namamahala ng karnabalan sa Narvacan, Ilocos Sur na sasagutin nila ang mga magiging medical expenses ng dalawang batang nahulog habang nakasakay sa ferris wheel.
Ayon kay Rey Vicencio, manager ng nasabing karnabalan, responsibilidad nila ang dalawang menor de edad dahil sila ay nahulog habang nakasakay sa nasabing ferris wheel pero pinaliwanag niya na kaya nahulog ang mga ito dahil sa kakulitan nila habang umiikot ang ferris wheel.
Kasisimula pa lang itong umandar at mabagal pa ang ikot ng mahulog ang isang menor de edad habang tumalon naman ang isa.
Ang isang biktima ay labintatlong taong gulang na residente ng Brgy. Nagsayaoan, Sta. Maria, Ilocos Sur habang ang isa naman ay labinlimang taon at residente ng Brgy. San Antonio, Narvacan, Ilocos Sur.
Dahil sa insidente ay pansamantala munang ipinatigil ng Lokal ng Pamahalaan ng Narvacan ang operasyon ng ferris wheel habang ito ay iniimbestigahan.
Sources: Bombo Radyo Vigan
Narvacan Naisangsangayan