Namahagi ng tulong pinansyal sa mga Kapampangan mula sa iba’t ibang sektor ang Provincial Social Welfare and Development Office.
Ibinahagi ni 2nd District Board Member Mylyn Pineda-Cayabyab katuwang si acting PSWD Officer Fe Manarang ang mga naturang ayuda.
Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ang mga Overseas Filipino Worker (OFW), mga nasunugan sa lungsod ng San Fernando at kasama ding ibinahagi ang burial assistance at medical financial assistance sa ilang benepisyaryo.
Ang nasabing programa ay naglalayon na maging daan tungo sa mas maunlad at mas magandang kinabukasan para sa Kapampangan nating kababayan.