Boluntaryong sumuko ang dating rebelde na miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY sa mga awtoridad sa Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan nito lamang Lunes, ika-5 ng Disyembre 2022.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Biboy”, 35, construction worker, Medic Officer ng New People’s Army na nag-ooperate sa probinsya ng Aurora at Nueva Ecija.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pag turn-over ng isang 9mm caliber pistol; isang magazine; at isang hand grenade.
Patunay na walang magandang naidudulot ang pakikibaka at pagsama sa mga rally at rebeldeng grupo na walang ibang hangad kundi ang pabagsakin ang gobyerno.