Arestado sa isinagawang operasyon ng PNP at AFP ang isang Medic ng Communist Terrorist Group na nasa listahan ng Periodic Status Reports on Threat Groups (PSRTG) sa Barangay Bulala, Camalaniugan, Cagayan nito lamang Lunes, Hulyo 11, 2022.
Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Simeon alyas Jinky/ Eya/ Lara/ Di/ Diya, 34, may asawa, residente ng Ipil St., Sta Cruz, Manila, at nakatalaga bilang Executive Committee 8, Guerilyang Pangpulitiko/ Probinsya Medic Based ayon sa PSRTG 4th Quarter ng 2021.
Naaresto si Simeon ng pinagsanib na pwersa ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, Camalaniugan Municipal Police Station, PNP-Special Action Force, Regional Mobile Force Company 2, Regional Intelligence Unit 2, at 77th Infantry Battalion, Philippine Army.
Naaresto si Simeon sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Illegal Possession, Manufacture, Acquisition of Firearms, Ammunition or Explosives na walang inirekomendang piyansa.
Nakumpiska mula kanyang pag-iingat ang isang (1) android phone, dalawang (2) keypad cell phone, apat (4) na sim card, isang (1) power bank, apat (4) na memory card, isang (1) charger, isang (1) small pocket size notebook, isang (1) box ng medical kit, isang (1) pirasong one thousand peso bill, isang (1) USB, isang (1) identification card sa pangalan ni Rosielyn Domingo Simeon mula sa BIR at isang (1) vaccination card.
Samantala, hindi tumitigil ang hanay ng PNP at AFP upang mahuli na ang mga miyembro ng CTG na nagtatago sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng kanilang mga krimen at karahasan.
Patuloy din ang ginagawang kampanya ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan bilang pagsuporta sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict upang maipaabot sa mga nasa laylayan ang mga proyekto ng gobyerno at upang masugpo na ang matagal ng problema ng insurhesiya sa bansa.