22.7 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Masusing pagsusuri ng maaaring pinsala ng 7.3 na lindol isinagawa ng DPWH3

Inutos ng Department of Public Works and Highways-Central Luzon (DPWH-3) ang agarang pagtatara ng pinsala sa mga imprastraktura sa gitnang Luzon na posibleng naging epekto ng 7.3 magnitude na lindol nito lamang ika-27 ng Hulyo 2022.

Iniutos din ni DPWH-3 Regional Director Roseller Tolentino ang masusing pagsusuri sa integridad ng istraktura ng mga tulay sa mga pangunahing kalsada sa rehiyon.

Aniya, dapat gawin ito upang matukoy ang lawak ng pinsala kung mayroon man upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Ipinahayag naman ni DPWH-3 Regional Maintenance Engineer Rodolfo David na wala pang naiuulat na insidente sa rehiyon.

Samantala, inatasan ni Department of Social Welfare and Development-Central Luzon (DSWD-3) Regional Director Marites Maristela, sa isang memorandum na ang lahat ng provincial team leaders, city/municipal team leaders, at center heads sa rehiyon na alamin ang pangangailangan ng mga pamilyang posibleng maapektuhan ng lindol sa pakikipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs).

Sinabi din ni RD Maristela na ang hakbang ay upang matiyak ang agarang pagtugon sa mga posibleng naapektuhang lugar, pamilya, at indibidwal.

Nagpapakikita lamang na ang gobyerno ay laging handa sa anumang sakuna o disaster sa bansa.

Source: PNA

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles