14 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Mass Casualty Management Responder’s Training, isinagawa sa Tuguegarao City

Ang Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ay sinimulan ang pagsasanay para sa Mass Casualty Management Responder’s Training na ginanap sa 6th Floor Conference Hall ng City Hall nito lamang ika-27 ng Mayo 2024.

Layon ng pagsasanay na mapabuti ang koordinasyon at kahandaan ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan, alinsunod sa adhikain ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que na mas lalong mapabuti ang Rescue Unit sa pagtugon ng mga insidente ng mass casualty sa panahon ng kalamidad o sakuna.

Gayundin na matiyak na ang bawat miyembro ng emergency response team ay may sapat na kaalaman at kakayahan sa pagharap sa anumang sakuna.

Nasa 45 na kalahok mula sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlungsod na kinabibilangan ng City Health Office (CHO), Tuguegarao City People’s General Hospital (TCPGH), Tuguegarao City Disaster Risk Reduction Management Office, RESCUE 1111, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard at Philippine Red Cross.

Samantala, ang mga tagapagsanay ay mula sa Department of Health (DOH) Central Office, DOH Region 2, Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD), Southern Isabela Medical Center, Region II Trauma and Medical Center, PDRRMO Quirino at CDRRMO Cauayan.

Ang pagsasanay ay pinangasiwaan ni CDRRMO Head Ma. Soledad Sapp at magtatagal ng limang araw, mula Mayo 27 hanggang Mayo 31, kung saan magkakaroon din ng simulation exercise pagkatapos ng pagsasanay, upang masubok ang mga natutunan ng mga kalahok.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles