Kaugnay ng pagdiriwang sa ika-123rd Philippine Civil Service Anniversary ay isinagawa ang Mass Blood Donation na pinangunahan ng City Human Resource Management Office (CHRMO) sa pamumuno ni CGDH1-HRMO, Dr. Emielou E. Gellado katuwang ang City Disaster Risk Reduction Management Office at Philippine Red Cross-Alaminos City Western Pangasinan Chapter (PRC-ACWPC) nito lamang ika-28 ng Setyembre 2023.
Sa kabuuan, 41 bags ng dugo ang nakolekta sa isinagawang aktibidad sa aktibong pakikibahagi ng mga empleyedo ng lokal na pamahalaan, maging ng iba’t ibang ahensya at iba pang sektor ng syudad.
Personal na ipinaabot ni Mayor Arth Bryan C. Celeste ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nakiisa sa programang at sa lahat ng local companies sa syudad.