16.9 C
Baguio City
Saturday, September 21, 2024
spot_img

Masantol LGU, naghatid ng ayuda sa mga residenteng apektado ng baha

Naghatid ng ayuda ang Lokal na Pamahalaan ng Masantol sa mga residenteng apektado ng baha nito lamang Biyernes, ika-26 ng Hulyo 2024.

Ang tulong ay personal na inihatid ni Hon. Dennis “Delta” Pineda, butihing Gobernador ng Lalawigan ng Pampanga, kay Hon. Ton Ton Bustos, Mayor ng Masantol, na inisyatibo mula sa ating pangulo at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga relief goods ay para sa 2,847 pamilya mula sa walong barangay na naapektuhan ng baha dulot ng Bagyong Carina.

Laking pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong na inihatid sapagkat malaking bagay na ito lalo na’t walang trabaho at di rin makalabas sa kanilang mga tahanan.

Ang aksyon ay nagpapakita ng pagnanais ng pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga mamamayan, na mahalaga para sa pagbuo ng mas matibay at maasahang pamahalaan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles