Bilang suporta sa adhikain ng Bagong Pilipinas tungo sa mas maunlad at matatag na sektor ng agrikultura, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ang Farmers Field School (FFS) on Corn Production and Management sa Barangay Pandan, Alaminos City, Pangasinan.
Sa pangunguna ni Mayor Arth Bryan C. Celeste, layunin ng programa na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga magsasaka sa tamang pagtatanim ng mais—isang high-yielding at climate-resilient crop na maaaring magbigay ng mas mataas na kita sa mga magsasaka.
![](https://i0.wp.com/bosestiamianan.com/wp-content/uploads/2025/02/viber_image_2025-02-10_10-13-36-998.jpg?resize=696%2C464&ssl=1)
Nitong Pebrero 7, 2025, binisita ang Participatory Technology Demonstration Farm, kung saan makikita ang maayos na paglago at pamumunga ng mais sa tulong ng City Agriculture Office (CAgO) at Agricultural Training Institute – Regional Field Office I, na siyang nagpondo sa pagsasanay.
Ang programang ito ay isang konkretong hakbang sa pagbuo ng isang mas produktibo at matatag na agrikultura, na alinsunod sa pangarap ng Bagong Pilipinas—isang bansa kung saan bawat magsasaka ay may sapat na suporta, kaalaman, at oportunidad tungo sa mas magandang kinabukasan.