13.9 C
Baguio City
Saturday, January 25, 2025
spot_img

Mangingisdang apektado ng Dredging Project sa Laoag, nakatanggap ng cash aid

Nakatanggap ng Php3,000 cash assistance bawat isa ang nasa 368 na mangingisda mula sa Metro La Paz na apektado ng Dredging Project sa Padsan River, Laoag, Ilocos Sur noong Biyernes, Hunyo 16, 2023.

Ipinagkaloob ang cash assistance ng He Sha Prime Sand and Gravel Aggregates Philippines Inc., contractor ng nasabing proyekto na inatasang ibalik ang natural na daloy ng masikip na Padsan River bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR).

Tiniyak ni Governor Matthew Joseph Manotoc sa mga apektadong lokal na mangingisda na handa ang pamahalaan na magpaabot ng anumang uri ng tulong sa kanila upang matiyak na magkakaroon pa rin sila ng alternatibong pagkakakitaan o kabuhayan.

Layunin ng proyekto na linisin ang Laoag Padsan River na madaling bumaha dahil sa matinding siltation.

Inaasahan ng mga lokal na mangingisda na sa katagalan, mas makakamit nila ang pinakamaraming benepisyo mula sa proyekto na tiniyak ng gobernador at ng dredging contractor.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles