13.8 C
Baguio City
Thursday, January 23, 2025
spot_img

Mangingisda ng San Fernando, nakilahok sa Fiesta ti Baybay 2023

Nakilahok sa Fiesta ti Baybay 2023 ang mga mangingisda mula City of San Fernando, La Union na ginanap sa dalampasigan ng Barangay Ilocanos Sur, San Fernando City, La Union.

Tunay na bida sa karagatan ang ating mga mangingisda dahil wala pa man ang sikat ng araw, nakahanda na ang kani-kanilang mga ipaparada at ilalahok na mga bangka sa iba’t ibang paligsahan.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Fluvial Parade kung saan ipinagmalaki ng mga kalahok na barangay ang kani-kanilang malikhaing disenyo na gawa sa mga recyclable na materyales.

Agaw-pansin din sa parada ang mga bangkang nagsulong ng halaga ng yamang-dagat at pagprotekta sa mga isda at coral reefs. Pinakahihintay din ang karera ng mga tradisyonal at de-motor na bangka.

Sa bilis ng kanilang layag, walang patid ang hiyawan at suporta ng mga manonood mula sa dalampasigan. Kasabay nito ang mga Laro ng Lahi na Agawan ng Biik, Palosebo, at Tug of War.

Sa mga larong ito, ipinamalas ng mga kalahok ang kani-kanilang natatanging estratehiya sa paghuli, pagbingwit, pagkapit, pag-akyat, paghila at higit sa lahat, pagtutulungan na kanilang ginagawa kasama ang isa’t isa tuwing pumapalaot.

Samantala, nangangako naman ang mga namumuno sa lokal na pamahalaan ng San Fernando, La Union na patuloy nilang susuportahan ang mga mangingisda upang magpatuloy ang pag-asenso ng kanilang pamumuhay.

Source: City Government of San Fernando, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles