16 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

“Mangan Taku” Cordillera Food Festival ipinagdiwang sa Baguio City

Sinimulan ang ikatlong beses na pagdiriwang ng “Mangan Taku” Cordillera Food Festival sa Wright Park, Baguio City nito lamang Miyerkules, Abril 27, 2022.

Tampok sa festival ang “watwat” o makakapal na hiwa ng baboy na pinakuluan at kadalasan ay inaalok o ibinibigay sa mga bisita sa panahon ng pagdiriwang ng piyesta.

Ang nasabing Food Tourism Festival ay nagsimula noong 2019 na naglalayong maipakita ang istilo ng pagluluto ng mga taga Cordillera na pinangunahan ng Department of Tourism-Cordillera at sa pakikipagtulungan ng opisina ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Ayon kay Jovita Ganongan, DOT Regional Director, layunin din ng aktibidad na ipagmalaki ang traditional na pagluluto ng mga taga Cordillera hanggang sa ito ay madiskubre at matutunan din ng ibang rehiyon sa Pilipinas.

Ayon pa kay Ganongan, ang “Mangan Taku” ay hindi lamang para sa mga taga Cordillera kundi maging sa mga taong gustong maunawaan ang kahalagahan ng pagkain.

Samantala, nakilahok naman sa pagdiriwang ang iba’t ibang probinsya sa Cordillera kasama na rito ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province.

Lahat ng pumunta sa pagdiriwang ng piyesta ng Mangan Taku ay maaaring tumikim ng iba’t ibang luto mula sa iba’t ibang probinsya ng Cordillera.

Source: Guro Press Cordillera

Link: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=375171437958423&id=100063967098173

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles