24.1 C
Baguio City
Monday, October 21, 2024
spot_img

Malalaking tipak ng bato gumuho sa Kapangan, Benguet

Gumuho ang malalaking tipak ng bato sa kahabaan ng kalsada ng Gov. Bado Dangwa National Road, Brgy. Taba-ao, Kapangan, Benguet nito lamang Mayo 30, 2023.

Ayon sa Kapangan PNP ang pagguho ay sanhi ng malakas na hangin at tuloy tuloy na pag-ulan dala ng bagyong “Betty”.

Agad naman nadeploy sa lugar ang mga tauhan ng BFP Kapangan, Kapangan Municipal Risk Reduction Council (MDRRMC), Kapangan PNP at mga volunteers para tanggalin ang mga gumuhong mga bato.

Samantala, ginawang one lane passable ang nasabing parte ng kalsada para sa lahat ng uri ng sasakyan.

Pinapaalalahan naman ang lahat ng motorista na maging maingat sa pagmamaneho at huwag na umalis ng tahanan kung hindi kinakailangan ngayong panahon ng tag-ulan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles