16.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Makabagong teknolohiya para mga IP schools ng Zambales ipinamahagi ng DOST 3

Namahagi ang Department of Science and Technology-Central Luzon ng mga kagamitan sa pagtuturo ng makabagong teknolohiya sa IP schools sa Botolan, Subic, San Narciso at Olongapo City, Zambales nito lamang ika-15 ng Hulyo 2022.

16 IP schools ang nakatanggap ng interactive multimedia audio-visual teaching aids at 40-inch high-definition, light-emitting diode (HD LED) na telebisyon.

Ayon kay Julius Caesar Sicat, Regional Director ng DOST 3, ang mga kagamitan ay nababagay sa kanilang lugar dahil sa kahinaan ng internet connection na nararanasan ng mga guro at mag-aaral.

Dagdag pa niya na ang mga guro ay katuwang nila sa pagbibigay ng maayos na edukasyon sa mga mag-aaral. Ang mga guro ang magpapatunay na ang teknolohiya ay gagana dahil sila ang magdadala nito sa mga estudyante.

Nagpaabot naman ng mensahe ng pasasalamat ang Villar Integrated School sa Botolan sa pamumuno ni Mr. Celso Q. Alcantara dahil malaki ang maitutulong ng mga bagong teknolohiya sa mga guro at mag-aaral.

Sa kabuuan, 34 na pampublikong paaralan na ang nakakatanggap ng mga teaching aids sa probinsya ng Zambales.

Ang proyektong ito ay bahagi ng Community Empowerment through Science and Technology (CEST) program ng DOST na pinondohan ni Sen. Joel Villanueva mula noong 2018.

Source: PNA

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles