Naglunsad ng apat na proyektong patubig ang National Irrigation Administraion (NIA) sa Nueva Ecija noong ika-18 ng Marso 2022.
Pinangunahan ito ni Mr. Ricardo Visaya, NIA Administrator at iba pang mga opisyal, ang paggamit sa solar-powered irrigation systems (SPIS) sa Brgy. Pamacpacan, Jaen at Brgy. Manarog, Gen. Mamerto Natividad; pag-automate ng Rizal Dam at headgates sa Brgy. Poblacion West; at electro-mechanical steel gate sa Rizal.
Ipinahayag ni Mr. Visaya sa mga magsasaka na mas makakatulong ang mga bagong sistema ng patubig lalo na sa panahon ngayon na pataas ng pataas ang halaga ng krudo o gasolina.
Ang mga proyekto ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php125 milyon para sa 9,450 hektaryang lupain at mapapakinabangan ng mahigit 14,300 magsasaka ng nasabing lalawigan.
fantastic publish, very informative. I ponder why the other specialists of this sector don’t realize this. You must continue your writing. I’m sure, you’ve a great readers’ base already!