Tinupok ng apoy ang tinatayang mahigit Php4 milyong halaga ng ari-arian sa Jahpa, Virac, Itogon, Benguet nito lamang ika-21 ng Oktubre 2024.
Ayon sa ulat, nirespondehan ng mga tauhan ng Police Community Precint 2 Viral, ang isang structural fire na personal na iniulat ng isang concerned citizen. Inihayag ng paunang pagsisiyasat na bandang 7:00 AM , sinaksak ni Ginang Shiela Sacpa, manugang ni G. Sacpa, ang extension wire nang ito ay pumutok at naging sanhi ng apoy na mabilis na tumupok sa dalawang palapag na bahay at kasunod na kumalat sa katabing bahay na pag-aari ni Ginang Tongalag.
Naapula ng mga tauhan ng BFP Itogon, PMA at Benguet Corp Fire Department, BFP Baguio, Fire volunteers, at mga residente sa lugar ang sunog at idineklarang fire out ni Fire inspector Edgardo R. Reduca bandang 10:47 AM ng parehong petsa. Samantala, dinala si Ginang Shiela Sacpa sa Baguio General Hospital dahil sa minor burn sa kanang kamay. Ang tinatayang halaga ng pinsala sa bahay ni G. Lupito Balag-a Sacpa ay P3.12 milyon, habang si Ginang Jackielyn Bruno Tongalag ay P1.2 milyon ayon kay FO3 Billy Jack Palasi.