Umabot sa 1,459 Purok Agkaykaysa Scholars ang muling tumanggap ng kanilang Educational Assistance mula sa Provincial Governnment of Cagayan (PGC) na ginanap sa Sanchez Mira nito lamang ika-10 ng Abril 2024.
Ang mga Purok Scholar ay nakatanggap ng tig-Php3,500 bawat isa para sa unang semestre ng S.Y. 2023-2024.
Ang mga estudyanteng nakatanggap ng tulong ay mula sa mga bayan ng Claveria na mayroong 556 recipients, Abulug na mayroong 245, Sanchez Mira – 241, Pamplona – 227, Sta. Praxedes – 122, at Calayan na mayroong 68 recipients.
Pinangunahan naman ni Francisco “Franco” Mamba III ang naturang distribusyon bilang kinatawan ni Cagayan Governor Manuel Mamba, kasama si Provincial Treasurer Mila Mallonga, gayun din ang mga Consultant ng PGC na sina Oliver Peneyra at Vicente Binasoy, at mga kawani ng Provincial Office for People Empowerment (POPE).
Layunin ng Purok Agkaykaysa Scholarship Program ni Gov. Mamba na tulungan at supportahan ang mga karapatdapat na istudyante sa lalawigan ng Cagayan.
Source: Cagayan Provincial Information Office