Tumanggap ng suportang pinansyal ang mahigit 600 iskolar sa Tarlac sa katatapos na scholarship allowance pay-out sa Kaisa Convention Hall nito lamang Mayo 21, 2022.
Ang 381 full scholar ay tumanggap ng Php10,500 bawat isa, habang ang 223 grantee 1st degree scholars ay tumanggap ng Php8,000 bawat isa, gayundin ang 42 grantee 2nd degree scholars na tumanggap naman ng Php4,000 bawat isa sa.
Ayon sa mensahe ni Mayor Cristy Angeles, pinayuhan niya ang mga mag-aaral na pagbutihin ang kanilang pag-aaral para sa kanilang magandang kinabukasan.
Dagdag pa niya na sila ang mga hinuhubog na pag-asa ng bayan pagdating ng panahon.
Matagumpay na naisagawa ang aktibidad sa tulong na rin ng City Social Welfare and Development at Treasury Office ng lungsod.
Lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa labis na suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Tarlac sa pagtugon sa isyu ng edukasyon. Nagpapatunay lamang na hindi tumitigil ang gobyerno sa pagbibigay ng wastong serbisyo sa mga mamamayan na kanilang nasasakupan lalo na para sa mga kabataan.
Source:
https://web.facebook.com/tarlac.cio/posts/368488961983493?_rdc=1&_rdr