16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Mahigit 5,000 na magsasaka, nakatanggap ng libreng abono

Namahagi ang LGU-Narvacan ng libreng abono sa mahigit 5,000 na rehistradong magsasaka ng palay sa Narvacan, Ilocos Sur nitong nakaraang Sabado, ika-13 ng Hulyo 2024.

Ayon kay Engr. Gary Cardona, Municipal Agriculture Officer ng Narvacan, mayroong 5,882 rehistradong magsasaka ng palay ang nakinabang sa nasabing aktibidad.

Ang LGU-Narvacan sa pamumuno ni Mayor Pablito V. Sanidad ay nagsisikap na itaas ang antas ng agrikultura sa pamamagitan ng pamamahagi ng ayuda para sa mga magsasaka, na itinuturing nila na isa sa mga programang prayoridad.

Ayon kay Mayor Sanidad, layunin ng kanilang pamahalaan na palakasin ang sektor ng agrikultura upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang komunidad, na nagtataguyod ng makabuluhang pag-unlad sa buhay ng kanilang mga mamamayan.

Bukod sa libreng abono para sa mga magsasaka ng palay, nagbibigay rin ang LGU-Narvacan ng tulong pinansyal sa mga nagtatanim ng tabako, mais, at iba pang High Value Crops.

Malinaw na ipinapakita ng pamahalaang lokal ang kanilang dedikasyon sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa kanilang bayan.

Sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, nararamdaman ng mga magsasaka ang mga programa ni Pangulong Bongbong Marcos na naglalayong maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka tungo sa pagbuo ng isang Bagong Pilipinas.

Source: Narvacan Naisangsangayan

Panulat ni Monotreme

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles