16.8 C
Baguio City
Wednesday, October 23, 2024
spot_img

Mahigit 5,000 kabataan mula Sto. Niño at Claveria, Cagayan, benepisyaryo ng MagSAKAbataan program

Umaabot sa 5,250 na mga kabataan ng Sto. Niño at Claveria ang naging benepisyaryo sa 4th tranche ng “MagSAKAbataan Program” ng Provincial Government of Cagayan (PGC) sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA).

Ayon kay Pearlita P. Mabasa, Provincial Agriculturist, ang mga benepisyaryo ay nabigyan ng punla ng gulay katulad ng talong, sili, kalabasa, kamatis, ampalaya, patola, at upo na kanilang itatanim at pararamihin sa kanilang mga bakuran.

Ang bayan ng Sto. Niño ay nasa 3,255 na mga kabataan mula sa 31 na barangay ang nabigyan ng mga itatanim na punla ng gulay.

QS amantala sa Claveria ay 1,995 na mga kabataan na mula naman sa 19 na barangay ang nakatanggap.

Ang 4th tranche ng “MagSAKAbataan Program” ay nagsimula noong ika-9 ng Marso, taong kasalukuyan at patuloy na isinasagawa sa mga bayan sa probinsya.

Ito ay alinsunod sa programang “No Barangay Left Behind” (NBLB) na inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na may layuning maturuan ang mga kabataan sa kahalagahan ng pag-aalaga at pagtatanim ng mga gulay na pangunahing kailangan sa panahon ng krisis.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles