15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Mahigit 500 na propagules ng Bakawan, itinanim ng mga Youth for Environment School Organization (YES-O) sa Pangasinan

Nakapagtanim ng mahigit 500 na propagules ng Bakawan ang mga estudyante mula sa Youth for Environment School Organization (YES-O) ng Alaminos City National High School sa Bued Mangrove Park Alaminos City, Pangasinan nito lamang ika-29 ng Abril 2023.

Ito ay alinsunod sa DepEd Order No. 93, s. 2011 na pinamagatang Thrusts and activities ng IPYES-O at DepEd Order No. 33 s. 2008 “Pagtugon sa mga Banta ng Pagbabago ng Klima at Global Warming sa pamamagitan ng Massive, Intensive at Sustained Tree-Planting, Tree Growing, at Tree Caring Program.”

Ang aktibong paglahok ng mga mag-aaral ay pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa ating kapaligiran at pagsuporta sa kampanya at programang pangkalikasan.

Nagpapasalamat naman ang Alkalde na si Arth Bryan C. Celeste sa grupo at sa patuloy na pagsasagawa ng mga inisyatibo na naglalayong mapangalagaan ang ating mga coastal resources.

Source LGU Alaminos

Panulat ni Manlalakbay

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles