Matagumpay na isinagawa ang pamimigay ng financial assistance mula sa Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao sa pangunguna ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que nito lamang ika-28 ng Disyembre 2024.
Mahigit 3,000 magsasaka mula sa lungsod ang nakatanggap ng dalawang libong financial assistance bawat isa. Ang mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng mga maliliit na magsasaka mula sa iba’t ibang barangay ng Tuguegarao, na siyang pangunahing apektado ng iba’t ibang hamon tulad ng kalamidad, pagtaas ng presyo ng produksyon, at pagbaba ng kita mula sa ani.

Layunin ng programang ito na mapalakas ang sektor ng agrikultura sa lungsod at mabigyan ang mga magsasaka ng karagdagang suporta upang mapagaan ang kanilang kabuhayan.
Sa pamamagitan ng tulong pinansyal, hangad ng Pamahalaang Panlungsod na mabawasan ang pasanin ng mga magsasaka at maisulong ang kanilang produktibidad sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya.

Bukod sa pinansyal na tulong, bahagi rin ng layunin ng programa ang pagbibigay-inspirasyon sa mga magsasaka na patuloy na pagbutihin ang kanilang gawain sa agrikultura. Nakatuon ang lokal na pamahalaan na palakasin ang ugnayan nito sa sektor ng agrikultura bilang pundasyon ng pang-ekonomiyang pag-unlad ng Tuguegarao.