14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Mahigit 33 Laptop ipinamahagi sa Pampublikong Paaralan ng Lungsod ng Batac, Ilocos Norte

City of Batac, Ilocos Norte – Matagumpay na naipamahagi ang tatlumpu’t tatlong bagong laptop sa mga pampublikong paaralang elementarya at sekondarya mula sa pamahalaang lungsod ng Batac, Ilocos Norte nito lamang ika-18 ng Setyembre 2022.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ni Hon. Windell D. Chua, Vice Mayor na ginanap sa Imelda Cultural Center ng nasabing lungsod.

Ayon kay Hon. Vice Mayor Chua, “ang pagkakaloob ng mga laptop na ito ng pamahalaang lungsod ay naglalayong higit na maipaabot ang suporta sa ating mga education frontliners,” aniya.

Dagdag ni Hon. Vice Mayor Chua, tiniyak ni Vice Mayor Chua sa ating mga frontliners ang pangako ng pamahalaang lungsod na bigyang kapangyarihan ang sektor ng edukasyon.

Ang aktibidad ay bahagi ng serye ng pagbibigay ng tulong na nakatuon sa edukasyon na naaayon sa direktiba ni Hon. City Mayor Albert D Chua, upang patuloy na maitaas ang antas ng pagpapalakas at pagpapagaling sa kinabukasan ng mga kabataang Batacqueno.

Source: City Government of Batac

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles