18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Mahigit 2,500 Barangay Workers sa District 1 ng Pangasinan, nakatanggap ng Cash Gift mula sa Provincial Government

Matagumpay ang idinaos na Christmas Fellowship sa Leopoldo Sison Convention Center, Alaminos City, Pangasinan sa pangunguna ni Pangasinan Gov. Ramon Mon-Mon Guico III nitong ika-21 ng Disyembre 2022.

Lubos ang saya ng Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), Child Development Workers (CDWs) at Barangay Service Point Officers (BSPOs) mula sa 10 bayan ng Uno Distrito ng Pangasinan na may kabuuang 2,517 ay tumanggap ng tig-dalawang libong piso mula sa social amelioration program ng probinsya.

Sa talumpati ni Gov. Guico, sinabi niya na kinikilala niya ang hirap ng trabaho ng mga BHWs at lahat ng mga barangay worker na tinagurian niyang “backbone” at katuwang ng probinsya at lahat ng LGU sa pagbibigay serbisyo.

Bahagi ng kanyang mensahe ay ang pagdagdag ng medical patient navigators isa kada barangay at karagdagang Dialysis Center, mapabuti ang hospitals at ayusin ang serbisyo medical.

Samantala, tiniyak ni Vice Gov. Mark Lambino na sa susunod na tatlong taon ay asahan ang deretsong trabaho, deretsong serbisyo at maayos, malinis at matapat na pamamalakad.

Ang pamimigay ng pamaskong handog mula sa gobyerno sa mga Barangay Workers ay patunay lamang na hindi sila kinakaligtaang pasalamatan ng ating pamahalaan.

Source: Province of Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles