Noong nakaraang Oktobre 9, 2023, mahigit dalawang libo at dalawang daang benepisyaryo ng Lungsod ng Vigan sa Lalawigan ng Ilocos Sur ang nakatanggap ng kanilang Cash Incentives sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers na mas kilala sa tawag na TUPAD Program ng Department of Labor and Employment.
Bawat isa sa mga benepisyaryo ay nakatanggap ng apat na libong piso (Php4,000) matapos makumpleto ang sampung (10) araw na paglilinis at survey ng komunidad.
Ang nasabing mga benepisyaryo ay ang ikalawang batch ng dalawampung milyong pisong pondo mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pangunguna ni Secretary Bienvenido Estudillo Laguesma na hiniling ni Vigan City Mayor Jose “Bonito” Singson Jr.
Kaugnay ng aktibidad ay idinaos din ang pagpirma ng Deed of Donation sa pagitan ng BCS Group of Companies sa pangunguna ng pangulo nitong si Ms. Joselle Carissa J. Singson at ng DOLE sa pangunguna naman ni Sec. Bienvenido Laguesma.
Ang nasabing Deed of Donation ay para sa pagtatayo ng DOLE Building sa 1,500 square meters na lote ng BCS Group of Companies sa Barangay Guimod, Bantay, Ilocos Sur.
Ang mga nabanggit na aktibidad ay ginanap sa Vigan Convention Center, Vigan City, Ilocos Sur.
Source: City Government of Vigan
Panulat ni Malayang Kaisipan