18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Mahigit 11,000 trabaho alok sa Independence Day Job Fair sa Ilocos

Mahigit 11,000 job vacancies ang inalok sa isinagawang Independence Day Job Fair na ginanap sa apat na lugar sa Ilocos nito lamang Linggo, Hunyo 12, 2022.

Ginanap ang nasabing job fair sa mga lugar ng Candon Civic Center sa Candon City, Ilocos Sur; CSI Mall sa City of San Fernando, La Union; Nepo Mall sa Dagupan City, Pangasinan; at Don Leopoldo Sison Convention Center sa Alaminos City, Pangasinan.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang siyang nanguna sa naturang aktibidad na nag-aalok ng trabaho hindi lamang para rito sa Pilipinas, kundi pati na rin abroad.

Ayon kay Atty. Evelyn R. Ramos, DOLE – 1 Regional Director, mayroon silang 11,627 trabaho kung saan 8,213 ay lokal at 3,414 ay abroad.

Isa lamang ito sa maraming patunay na ginagawa ng ating gobyerno ang lahat ng kanilang makakaya upang matulungan ang mga Pilipino na umunlad ang kanilang pamumuhay at hindi malugmok sa kahirapan ng buhay.

Source: PIA La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles