15.1 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Mahigit 1,000 barangay sa Pangasinan, idineklarang drug cleared ng PDEA

Idineklarang drug cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit 1,000 drug-affected barangays sa lalawigan ng Pangasinan nitong Mayo 27, 2022.

Ayon kay PDEA-Pangasinan Officer Rechie Camacho, ang suplay ng ilegal na droga sa lalawigan ay nabawasan nang husto kumpara sa panahon bago maupo si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan mula 1,073 na barangay ay tumaas ito sa 1272 na mga barangay.

Ayon pa kay Camacho, nananatili silang nakatutok sa barangay drug-clearing operations bukod sa anti-illegal drugs operations.

Iniulat din niya ang pagkakasamsam ng Php2,200,000 halaga ng hinihinalang shabu at marijuana sa kanilang mga naging operasyon mula Enero 1 hanggang Mayo 27, 2022.

Dagdag pa ni Camacho, sila ay nakapagsagawa na ng pitong anti-illegal drug operations kung saan nakumpiska ang humigit kumulang 250 gramo ng hinihinalang shabu at marijuana at naaresto ang 10 high-value personalities.

Kabilang din sa mga high-profile target ng PDEA ay ang isang improvised marijuana cultivation area sa bayan ng Mangaldan kung saan narekober ang Php480,000 halaga ng hinihinalang high-grade na marijuana blocks, langis, fruiting tops, at seedlings sa kanilang isinagawang high-impact operation noong Pebrero ngayong taon.

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1175306

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles