Lumahok ang mahigit 100 hikers sa 3rd Lumin-Awa Trekking Adventure na ginanap sa sa Banao Protected Landscape sa Balbalan, Kalinga mula Pebrero 5-7, 2025.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng Lokal na Pamahalaan Panlalawigan ng Kalinga at Balbalan Municipal LGU bilang isa sa mga highlight ng 30th Founding Anniversary at 6th Bodong Festival, na nilahukan ng mga tauhan ng iba’t ibang ahensya at hikers mula sa Tabuk City, Cagayan, Baguio City, NCR, at iba pang lugar.
Tampok sa trekking adventure ang mga nakamamanghang kagandahan ng Banao Protected Landscape (BPL), Balbalasang-Balbalan National Park at ang Banao Watershed.
Bagamat mahirap ang hamon sa isinagawang aktibidad, ang mga kalahok ay di alintana ang pagod habang binabaybay ang mga magagandang landas at mga tanawin, at nagsilbing kasiya-siyang karanasan na nagbigay-diin sa mga tema ng pagkakaisa, katatagan, at paggalang sa kapaligiran.
Ang kaganapan ay naghangad na itaas ang kamalayan tungkol sa mga hamon sa kapaligiran, itaguyod ang turismo ng pakikipagsapalaran, at hikayatin ang pagpapahalagang pangkultura habang pinapaunlad ang pagkakaisa sa bawat kalahok.
![](https://i0.wp.com/bosestiamianan.com/wp-content/uploads/2025/02/476749667_630404209932874_1499571071998379057_n.jpg?resize=696%2C465&ssl=1)
![](https://i0.wp.com/bosestiamianan.com/wp-content/uploads/2025/02/476718794_2786403298198173_2988818871748338229_n.jpg?resize=696%2C522&ssl=1)