Namahagi ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan para sa mga magsasaka sa probinsiya na naapektuhan ng nararanasang El-NiƱo nito lamang ika 18 ng Oktubre 2024.
Pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka katuwang ang Provincial Treasury Office (PTO) at Provincial Office of People Empowerment (POPE).
Umabot sa 349 magsasaka ng mais na biktima ng tagtuyot mula sa mga bayan ng Buguey, Sta. Teresita, at Gonzaga, Cagayan ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Provincial Government of Cagayan (PGC). Malaki naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng tulong dahil may magagamit silang pambili ng abono at binhi sa pagtatanim.
Magpagpatuloy ang tulong para sa sektor ng mga magsasaka na apektado ng mga hindi inaasahang kalamidad.
Source: CPIO