Batac, Ilocos Norte – Tumanggap ng makinaryang pangsaka ang mga magsasaka sa Batac, Ilocos Norte mula sa lokal na pamahalaan bilang bahagi ng ika-13 selebrasyon ng Farmers Festival nito lamang Martes, Mayo 17, 2022.
Ayon kay Mayor Albert D Chua, ipinamahagi ang 1000 units Water Pump with Water Hose, 12 Harvesters, 12 Hand tractors, at Knapsack Sprayer sa mga magsasaka na nagkakahalaga ng mahigit Php1,000,000 sa pamamagitan ng “Zanjera Irrigators Association.”
Dagdag pa ni Mayor Chua na ang mga kagamitan at makinarya na ito na pinondohan sa ilalim ng Republic Act 7171 o ang “Tobacco Excise Tax” na malaking tulong lalo na sa pagpapababa ng gastos sa produksyon habang pinapanatili ang magandang kalidad ng mga produktong pang-agrikultura.
Itinuturing ng mga magsasaka na yaman sa lupa ang kanilang mga pananim kaya naman ang lokal na pamahalaan ng Batac ay walang tigil sa pagbibigay ng tulong para mas lalo pang mapalago ang kanilang mga sakahan.
Samantala, ang pagdiriwang ng Pista ng mga Magsasaka o Farmers Festival ay taunang isinasagawa sa Batac bilang pagbubunyi sa kadakilaan at paghihirap ng mga magsasaka sa nayon.
Source: Vice Mayor Windell Chua