22.5 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Magsasaka, nakiisa sa TUPAD Payout ng DOLE

Nakiisa ang mga miyembro ng mga magsasaka sa isinagawang TUPAD Payout ng Department of Labor and Employment at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga na ginanap sa Bren Z Guiao Convention Center, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Biyernes ika-13 ng Setyembre 2024.

Naging matagumpay ang nasabing aktibidad sa pangunguna ni Gobernador Dennis “Delta” Pineda at Bise Gobernador Lilia “Nanay” Pineda, kasama ang mga kawani ng Department of Local and Employment.

Mahigit 1,000 magsasaka ang nakatanggap ng P5,000 bawat isa sa naganap na TUPAD Payout, ang mga benepisyaryong ito ay kabilang sa 3,500 Kabalen na napasama sa programang “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat,” kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Labis ang tuwa at pasasalamat ng mga magsasaka kabilang na ang pamahalaan ng Pampanga sa tulong na natanggap.

Ang aktibidad ay nagtulak ng mas malawakang pag-unlad at pagbabago sa pamumuhay ng mga kababayan, na sumasalamin sa layunin ng Pangulong Bongbong Marcos na pagtibayin ang ekonomiya at magbigay ng mas magandang kinabukasan para sa lahat.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles