Isang magsasaka na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Abra nito lamang Setyembre 20, 2024.
Kinilala ang sumuko na isang 56 anyos, may-asawa, magsasaka, at residente ng Sitio Kirmay, Brgy. San Marcial, San Isidro, Abra. Nabatid na isinuko rin nito ang isang homemade 12 Gauge shotgun na walang serial number at bala.
Patuloy ang gobyerno sa panawagan sa iba pang miyembro ng teroristang grupo na magbalik-loob at magsimulang muli kapiling ang kanilang pamilya.