13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Mag-asawang Ex-CTG member, boluntaryong sumuko sa gobyerno

Boluntaryong sumuko sa gobyerno ang mag-asawang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sta. Maria, Pangasinan nitong Lunes, Abril 18, 2022.

Ang mag-asawa ay sina Ka Arteng, 65 at Ka Agsaoay, 65, kapwa residente ng Sitio Saez, Brgy. Carayacan, San Quintin, Pangasinan, at dating miyembro ng Nueva Ecija-Eastern Pangasinan Committee (NEPCO) na pinamumunuan ni Ka Tirso, Secretary sa Umingan, San Quintin, Natividad, San Nicolas, Tayug, Pangasinan, at Lupao, Nueva Ecija.

Sumuko sina Ka Arteng at Ka Agsaoay sa pakikipag-ugnayan sa Sta. Maria Police Station, Regional Mobile Force Battalion 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company Pangasinan, Provincial Intelligence Team Pangasinan, at Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 1, Criminal Investigation and Detection Group Pangasinan Provincial Field Unit at San Quintin Municipal Police Station.

Isinuko din nina Ka Arteng at Ka Agsaoay ang isang rifle grenade na may marking PD RG3F 03 K 91, isang home-made firearm na caliber .22 na may magazine pero walang bala.

Ang pagsuko sa gobyerno ng mga dating rebelde ay patunay na nagpapakita ng epektibong pagsulong sa kampanya kontra terorismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF- ELCAC.

Ang mag-asawa ay nakatanggap ng food packs at financial assistance mula sa Santa Ana Police Station at LGU Sta. Maria, Pangasinan.

Layunin nitong mabigyan ng mga pangunahing serbisyo ang mga mamamayang nagbalik-loob sa gobyerno para mamuhay ng mas tahimik at maayos kapiling ang pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles