Naaksidente ang mag-asawang dayuhan habang sakay sa kanilang motorsiklo sa madulas na bahagi ng kalsada sa Brgy. Bangad, Tinglayan, Kalinga nito lamang Nobyembre 4, 2022.
Ang mag-asawang dayuhan ay mula sa Netherland at Switzerland at nagbabakasyon sa bansa.
Ayon sa imbestigasyon, ang mga biktima ay galing sa Sagada, Mountain Province patungo sa Tabuk City upang magpalipas ng gabi sa isang hostel sa Lubuagan, Kalinga noong nangyari ang aksidente.
Ang babae ay nagtamo ng bahagyang pinsala sa likod ng kanyang ulo.
Samantala, tinulungan ang mag-asawa ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company dahil nasaksihan nila ang nangyaring aksidente habang nagpapatrolya, at agad na nilapatan ng first aid at isinugod sa Kalinga District Hospital.
Nasa maayos na kalagayan na ngayon ang mag-asawa.
Samantala, nagpaabot ng pasasalamat ang mag-asawa sa agarang tulong na ginawa ng 2nd Kalinga PNP kahit na sila ay dayuhan, serbisyong dekalidad pa rin ang pinakita ng ating mga awtoridad.