Nagsagawa ng Firescuelympics na ginawa para sa Barangay Emergency Response Teams ang Pamahalaang Lungsod ng Batac, Ilocos Norte nitong ika-30 hanggang 31 ng Marso 2023.
Ayon kay Hon. Albert D Chua, City Mayor, ito ay taunang ginagawa bilang unang tugon sa mga emergency na may kaugnayan sa sunog.
Ayon pa kay Hon. Chua, ang Team 5 na binubuo ng mga Barangay Bil-loca, Barani, Acosta, Nagbacalan, Palongpong, Cangrunaan at Ben-agan ay lumabas bilang overall champion na may cash prize na Php20,000.
Ang mga Barangay Emergency Response Teams o BERT ay pinagsama-sama sa anim na koponan at nakipagkumpitensya sa apat na kaganapan: Hose Laying at Pagpapalit ng Busted Hose, Bucket Relay, Flammable Liquid Fire Extinguishment, at Rescue and Transfer Relay Operation.
Ang kompetisyon ay nagsilbing culminating activity ng lungsod para sa Fire Prevention Month na pinangasiwaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) katuwang ang Bureau of Fire Protection – Batac.
1st Runner up – Team 1: Caunayan, Biningan, Magnuang, Tabug, Aglipay, Rayuray, Camguidan
2nd Runner up – Team 4: Naguirangan, Palpalicong, Parangopong, Bungon, San Julian, Nalupta, Dariwdiw
3rd Runner up – Team 2: Cal-laguip, Mabaleng, Quiling Norte, Camandingan, Valdez, Capacuan, Pimentel, Ablan
4th Runner up – Team 3: Sumader, Payao, Quiom, San Mateo, Lacub, Baoa East, Baoa West
5th Runner up – Team 6: Ricarte, Maipalig, San Pedro, Baligat, Quiling Sur, Colo, Baay
Ang ganitong aktibidad ay isinasagawa ng lungsod ng Batac bilang isang manipestasyon ng pagkakaisa at pagiging sportsmanship ng bawat isa.
Source: City Government of Batac