21.6 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

LTO Region 2, nag-inspeksyon para sa ligtas na biyahe

Nagsagawa ng inspeksyon ang Land Transportation Office (LTO) Regional Office 2 sa iba’t ibang bus at van terminals sa Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Oktubre 28, 2022.

Ang nasabing inspeksyon ay bahagi ng kanilang “Oplan Byaheng Ayos” ngayong Undas na nagsimula nitong Oktubre 27 na matatapos sa Nobyembre 4.

Sa Florida Bus Terminal ay isa-isang ini-inspect ng mga enforcer ng LTO ang bawat sasakyan upang matiyak na ligtas itong magbiyahe.

Ilan sa mga ini-inspect ay reverse lamp, problema sa brake system, worn out tires, broken windshield, defective seatbelt, colored lights, at iba pa.

Liban diyan ay sumailalim din ang bawat bus driver sa alcohol breath analyzer upang masiguro na walang driver ang bi-biyahe na nasa impluwensya ng alak, at nagsagawa rin ng random drug testing para sa mga driver upang masuri na walang driver ang nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.

Simula nang nailunsad ang “Oplan Byaheng Ayos” nitong ika-27 ng Oktubre ay wala pang nasusuri na lumalabag sa mga safety guidelines ayon sa LTO.

May mga ilan na nakitaan gaya ng gulong pero verbal na binibigyan ng rekomendasyon ng LTO na ipaayos o palitan ito.

Samantala, patuloy ang kanilang pag-iikot sa iba pang terminals sa Lungsod.

Source: PIA Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles