Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal ang isang loose firearm sa Brgy. Bagalay, Tayum, Abra nito lamang ika-30 ng Hunyo 2023.
Batay sa ulat, isinuko ng isang residente sa mga tauhan ng Tayum PNP ang isang 12-gauge home-made shotgun, walang serial number at bala.
Hindi na pinangalanan ang pagkakakilanlan ng may-ari ng baril para sa kanyang seguridad.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng pagsasagawa ng barangay Pulong-Pulong at Oplan Katok bilang bahagi ng anti-criminality campaign ng PNP na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.