Boluntaryong isinuko ng isang residente ang kanyang loose firearm sa mga awtoridad sa Barangay, Labaan, San Quintin, Abra, nito lamang Disyembre 14, 2023.
Napag-alaman na ang isinukong armas ay isang uri ng Cal. 38 Magnum Revolver na walang serial number, marka at live ammunition.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng patuloy na isinasagawang kampanya ng mga awtoridad kontra loose firearms, at barangay visitation sa kanilang nasasakupan.
Patuloy ang isinasagawang paghikayat ng San Quintin PNP sa mga residente na may hindi nakarehistrong baril na isuko upang maiwasan magkaroon ng kaso.