17 C
Baguio City
Wednesday, October 9, 2024
spot_img

Loose firearm isinuko sa Pasil, Kalinga

Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal ang isang loose firearm sa Pasil, Kalinga nito lamang ikaw-28 ng Hunyo 2023.

Batay sa ulat, isinuko ng isang residente ng Brgy. Guina-ang, Pasil, Kalinga sa Barangay Officials na agad na-iturn over sa himpilan ng Pasil Municipal Police Station.

Nabatid na ang isinukong baril ay isang homemade short firearm, shotgun guage 12, no serial number, no markings at mayroong isang bala.

Hindi na pinaalam ang pagkakilanlan ng may-ari ng baril para sa kanyang seguridad.

Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng pagsasagawa ng intensified campaign against loose firearms, Oplan Katok at Oplan Bakal ng PNP na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng komunidad at maiwasan ang kasong kakaharapin sa mga may-ari ng baril na walang kaukulang dokumento.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles